Nasusulat
Kagalitan man kami ng aming mga kamag-anak, Layuan man kami ng mga kaibigan namin, Ituring man kaming mga kaaway ng mga kapitbahay namin dahil lang sa aming relihiyon o dahil sa pangalan ng Panginoong Jesuscristo ay buong puso naming tatanggapin dahil nasusulat;
Mateo 10:22 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang mananatili hanggang sa kawakasan, ay siyang maliligtas.
Juan 15:20 Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din;
Ito lang ang matibay naming pinagsasaligan at ito ang nagpapalakas ng loob namin. Kung ito ang paraan para sa kaharian ng langit. So Be It. Katawa-tawa man kami sa mata ng lahat ng mga nakapaligid sa amin pero BEING BIBLICAL IS BEING SURE.
